Ilang araw ko ring pinag-isipan kung dapat bang aking mga saloobin ay sa papel isulat. Ilang araw ko ring sinubukan ngunit sa huli ay laging hindi nangyayari. May ideya ka na ba kung gaano katindi ang kaguluhan sa loob ng aking isipan? Sa tuwing hawak ko na ang panulat at ang papel, ang mga salita, bagay o mga pangyayaring laging sumisigaw na waring sa akin ay nagsusumamo ng pansin ay bigla na lamang nawawala na parang bula. Bakit? Natatakot ba na sila ay sa papel mailapat? Bakit? Natatakot ba sila na kapag sa papel ay matagumpay na nailipat ay sa wakas ay matatapos na ang sa akin ay kanilang paggambala? “Sana nga.” Wari ng aking isip. “Sana nga talaga.” Isa pa nitong sambit.
Kaya naman heto ako at sumusubok. Pinag-isipan ko pa kung ito ba ay aking isusulat sa wikang tunay na aking salita o sa wikang banyaga na tunay na hiram lamang. Sa anong wika ko nga ba lubos na maipapahatid ang aking tunay na saloobin? May mga tanong na naman na biglang dumating at sa akin ay gumugulo. Handa ba ako na aking mga diwa’t damdami’y ipaalam o ipabasa sa ibang tao? Paano kung husgahan lamang nila ako? Ipapaskil ko ba ito o sarilihin ko na lang ulit at hayaang nakaipit sa pahina ng kwadernong aking pinagsulatan?
Teka, ito ay kailangan ko nga talagang pag-isipan. Kaya naman ako ay tumayo, lumabas ng aking kwarto at sa kusina ay nagtungo. Kumuha ng isang malaking babasaging baso, naglagay ng mga yelong hugis kwadrado, ibinuhos ang likidong kulay itim na kilala sa tawag na kape at saka kumuha at nilagay ang pahabang metal na gamit pangsipsip. Kumuha na rin ako ng bilog na platito at naglagay ng tatlong pirasong pandesal at pagkatapos ay pumanhik na pabalik sa aking silid. Inilapag ang mga dala sa ibabaw ng aking munting mesa, kumagat ng pandesal at sumipsip ng kape na bahagya ng lumamig. Kinuha ang panulat, hawak ito, ipinuwesto ang kamay sa ibabaw ng kwaderno upang ang isinusulat ay maipagpatuloy ngunit . . . ano na nga ba ulit ang aking isusulat?
Hindi ko maalala. Ikaw na nagbabasa, alam mo ba? Pakisabi naman baka sakaling sa aking isip ay bumalik.
Wala na. Wala na talaga. Sabaw na naman ang utak ng babaeng balisa at problemada.
Dismayado. Inubos ko na lamang ang aking malamig na kape sa isang dire-diretsong pagsipsip gamit ang metal na istro sabay wari sa sarili “Paano na?” Maisusulat ko pa ba ang mga binalak kong isulat? Maiaalis ko pa ba ang mga diwang gumugulo sa isipan patungo sa puting pahina ng kwadernong ito? Pinalipas ko ang ilang sandali habang blangkong nakatitig sa puti kong pader, nagbabaka sakaling may sagot na dumating. Ngunit wala. Wala talaga. Kaya naman nagkibit-balikat na lamang at saka nagsabing “Baka mamaya. Baka bukas. Malay natin.”
Ayan na sya haha.
Baka mamaya. Baka bukas. Malay natin.
Maikwento mo naman ang lasa ng pandesal nang kahit man lang sa imahinasyon ay muli kong matikman.
Baka mamaya. Baka bukas. Malay natin.
Maikwento mo naman kung mas lamang ang tamis kaysa sa pait ng iyong kape.
🤭🤭🤭
LikeLiked by 2 people
😂😂😂😂😂 Nagdilang-anghel ka friend. Akalain mo yun, sinabihan mo lang ako na magsulat ulit ayan na oh. Di ko rin akalain. Sabaw man yan at least hahahahaha. Iba ang super powers mo. Pahawa pa ng marami, kasi diba. . . Baka mamaya,. Baka bukas. Malay natin. 😆😆😆
LikeLiked by 1 person
Hahaha…baka nagkakaroon na ako ng mental telepathy. char.
Kwentuhan mo lang kami ha, kahit tungkol sa mga pandesal o kaya palaman. hihihihi
LikeLike
Natawa ako sa pandesal at palaman. 😂 Wag natin ijinx baka umurong eh. 😆
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHA
LikeLike
Mamsh nakakabalisa ang pandemic hahaha pero sana maging okay ka soon. Lahat ata ngayon nagkaka anxiety. Kaya natin tey! Sulat lang ng sulat (wow akala mo updated ang blog ko e no haha)
LikeLiked by 1 person
Kaya nga mapapa Oh Lord ka na lang talaga. Ang hirap ng panahon ngayon. Oh my gulay! Let’s all pray for this to end na ASAP. Maloloka na ako talaga. 😂 Post ka na rin ng bago para masaya kahit sabaw pa yan. Magdamayan na lang tayo sa pagtawa. 😆😆😆
LikeLiked by 1 person
Haha sige sulat ako pag nasa wisyo na ko. Fighting!
LikeLiked by 1 person
Galing! 👏 Sarap basahin. Minsan na lang ako makabasa ng ganito. 💞
LikeLike
Aww, salamat ng marami. 😊
LikeLike
Ang lalim! Di ko maarok!
Kudoa to you for writing in our native language. 😉
LikeLike
Ay wag kalimutan ang sariling atin ikaw nga diba. 😆
Thanks for reading and the like. 😄
LikeLike